Chapter 38

109K 1.5K 77
                                    

Clyde's POV

Dalawang araw na yung nakalipas simula nung huli naming pag-uusap ni Selena. Hindi ko siya tinatawagan dahil baka may masabi lang akong hindi maganda. Baka eto lang muna yung kailangan namin, distansya. Hindi rin naman siya tumatawag sakin kaya naman lalo tuloy akong-- oo na. Nagtatampo lang naman ako. Marinig ko ba naman na may lalakeng tumawag sa kanya ng “mommy” at sinabi pang iuuwi na daw nila yung “anak” nila. Oh diba? Sinong hindi mababadtrip dun? Tss.

Kaya nga nagpapaka-busy muna ko. Tinatapos ko na lahat ng requirements dahil 1 week na lang ang natitira. Nandito lang ako sa may Gazebo kung saan laging nakatambay si Selena. Tambay na nga din ata ako dito eh.

“Clyde!” Napatingin naman ako kay Sabrina na tumatakbo papalapit sakin.

“Oh?”

 

 

“Ahm.. a-ano, tumawag na ba sayo si Selena?” Tanong niya na tila nagdadalawang-isip pa.

“Hindi pa. Baket?”

 

 

“A-ah… w-wala. Sige.” Tumalikod naman na agad siya pero biglang huminto at tumingin ulit sakin.

“Alam kong mahal mo si Selena, Clyde. Sana huwag kang bumitaw.” Sabi niya sabay diretsong alis na. At san naman ako bibitaw? Tsk.

“Oy Parker!” Tawag ko sa kanya nung akmang papasok na siya sa school lobby. Tinitigan lang niya ko na parang badtrip siya. Tss. Problema ba ng mga tao ngayon?

“Tara dito! Bilis!” Agad naman siyang lumapit sa pwesto ko at sumandal sa pader. Tss. Pa-cool pa mas gwapo naman ako sa kanya.

“Oh?”

 

 

“Nagkakausap ba kayo ni Selena?”

 

 

“At baket naman kami mag-uusap? Tss.”

 

 

“Wala ka talagang kwenta. Lumayas ka na nga.”

“Malay mo ikaw pala ang walang kwenta? Gumugulo na diba? Wag ka sanang maging tanga sa mga  bagay na gagawin mo. Geh, una na ko.” Sabi niya sabay alis. Baket ganito ang mga tao? At anong gumugulo?!

My Pervert Roommate (COMPLETED)Where stories live. Discover now