PROLOGUE

5 1 0
                                    

"To My Teenage Self"

Eliana's POV

“Miss ko na siya,” naka-salumbabang sambit ni Lei sa akin.

Napa-irap na lang ako dahil hindi ako maka relate!! After my four failed situationships ay hindi na talaga ako uulit. Sa circle of friends namin sa kasalukuyan ay ako lang ang walang kausap o kalandian.

Ewan ko ba, sixteen pa lang naman ako pero lahat ng mga kaibigan ko ay may mga kausap na. 'Kausap' sa kadahilanang hindi ko malaman sa kanila, sabi ni Zary sa akin ay strict daw ang parents niya at hindi pa siya handa.

Samantalang si Lei, takot na raw siyang mag commit. Ang iba ko pang kaibigan ay may mga syota na. Mapapasabi na lang ako minsan na "Everybody's falling in love, and I'm falling behind," huy!! Para naman sa akin ay hindi kailangan magmadali dahil mas mainam na unahin kong i-pursue ang pangarap ko kaysa sa immature at toxic na teenage love life.

Marami na rin akong na experience na mapait at masakit na situationships. Lalo na ang pinaka una ko dahil sa pagiging naive ko at tanga ay naabuso ako.

"Ewan ko sa'yo!" binato ko siya sa mukha ng tissue. Kumakain kami sa food court ng SM. Ay talaga naman, bagsak na nga kami ay may lakas ng loob pa kaming i-treat sarili namin.

Umirap ang babae at binato pabalik sa akin ang tissue.  "Wala ka lang eh."

"Okay lang, at least masaya ako kahit mag isa," I proudly stated.

Masaya ba talaga ako?

I always try to convince myself that it's fine na wala pa akong nakikilalang magpapatibok sa puso ko. Ginagaslight ko sarili ko na if nothing works out, rich tita na lang ako.

But, I can't help but fantasize having a highschool sweetheart. 'Yung tipong makukuwento mo sa mga anak at apo mo na, 'Nung highschool kami ng papa mo, lagi kaming nasa arcades.'

Pero parang malabo, dahil nasa grade ten na ako pero wala pa rin gustong mag seryoso sa akin. Hindi ko masasabing pangit ako dahil may nagkakagusto pa rin naman sa akin. Ngunit hindi yung ganda na maraming nag h-heart ng my day; yung ganda na makikita mo sa TV o magazine. Sakto lang, yung tao ka lang... haha.

Pauwi na kami ni Lei dahil hinahanap na rin siya ng mama niya. Mag isa lang akong uuwi ngayon dahil magkasalungat na direksyon ang patutunguhan namin ni Lei. Niligpit ko na ang pinagkainan namin. Lumabas na rin kami ng Jollibee. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Lei. Kahit wala akong ambag sa gala namin ay hindi siya nagreklamo. Nag photobooth pa nga kami at nilibot ang mall. Kagagaling lang kasi namin mula sa bahay ng classmate namin para mag practice ng sayaw.

"Ingat ka, bakla!!" sigaw ko habang pasakay siya ng tricycle. Natawa na lang siya at umirap.

Dumiretso na ako sa footbridge dahil nasa kabilang kalsada ang sakayan ng jeep. Sa sobrang init ay napabili ako ng palamig. Kung hindi ako bumili ay baka nahimatay na ako sa daan. Nang paakyat na ako sa hagdan ng footbridge ay may mag jowang sabay na umaakyat, ay talaga naman napaka bagal!! Nang gusto ko silang unahan ay natapilok ako sa hagdan. KAMALASAN NGA NAMAN!! Karma siguro 'to sa pagiging bitter ko.

"Oh, naku!" sigaw ng mama na nagtatawag ng jeep.

Gusto kong sakalin si kuya!! Joke lang... mabait pala ako.

Nang makasakay ako sa jeep ay iilan lang ang sumakay. Umandar na ang jeep dahil alas-tres pa lang naman ng hapon. May dalawa pa ngang love birds na sumakay.

Sakit sa mata!! Kung kami 'yan ay naku... joke lang. Napasinghap na lang ako sa iniinom ko at hindi ko maiwasan na tumingin sa bintana ng jeep dahil namatay na ang cellphone ko. Bulok na talaga 'to!! Kaya ka na phase out eh.

Hindi ko sinasadyang mapatingin muli sa direksyon nila. Sinusumpa ko talaga ang pagkalikot ng mata ko. Nagkabanggaan kami ng sulyap ng babae. Mukhang sinusuyo siya nung lalaki, nasa likuran sila ng drayber.

Mukhang nairita ang babae dahil sa pagtingin ko, nang dudukutin ko na ang cellphone sa bag ay hindi iyon bumukas. Oo nga pala, na drain na 'yung battery. Kainis!!

Lahat na lang ba talaga ng kahihiyan mangyayari sa'kin?

Hilong hilo na ako sa init nang makababa ako ng jeep. Ay talaga naman, nagmamadali na akong umuwi dahil sobrang init talaga!!

Nang makauwi ako ay agad kong inilagay ang bag ko sa higaan ko — kinuha ang towel at pamalit kong damit. Pumasok agad ako sa banyo dahil hindi ko na kayang matiis ang init.

Nang matapos akong maligo ay chinarge ko ang cellphone ko at nag suklay muna. Umabot na nga ng twenty percent ang cellphone ko kaya binuksan ko na dahil isesend ko pa ang mga pictures namin sa group chat.

Nang buksan ko nga ay sumalubong ang message ni Lei.

"beh, pa send."

Natawa ako at inilapag na ang mga kinuha naming pictures. Inedit ko na rin ang video ng group namin at matapos ay nag scroll lang ako sa Facebook.

After mindlessly scrolling and sharing dumb posts, I finally collected enough motivation to do some of my school works. I got up and unfolded my small table and got to work.

After finishing my output for MAPEH, I turned my phone on again to check if someone messaged me. And I find myself scrolling once again in Facebook. I came across a profile of a boy in the friend suggestion pop up. He looks really cool and his name is also cool.

I asked one of my friends from another section.

"Huy, beh. Kilala mo 'to?" I sent him the photo of the profile.

"Bakit ha? Kilala na kita, naku naku."

I laughed at myself. How ridiculous! Magkaka crush na naman ba ako?

Ay naku, Eliana... tama ka na.

"Pogi yan, nag g-gym, ta's academic achiever."

I giggled as if I was a little girl. I went back to his Facebook profile and added him shamelessly.

You've already went through so much...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Tortured Poet's LoveWhere stories live. Discover now