Chapter 28

23.6K 901 387
                                    

Chapter 28

Gusto kong makasama si Achilles ngayong weekend kaya lang ay para akong under surveillance. Alam ni Papa kung anong oras ang tapos ng klase ko. Pati ata traffic ay tinake into consideration niya para ma-compute kung anong oras ako nasa bahay na dapat. Tapos minsan kapag sinasabi ko na tinatamad ako magdrive, susunduin niya rin ako sa school.

Para akong bumalik sa elementary.

"Assia," pagtawag ko sa kanya.

Nagsimula na rin pala kasing magtrabaho si Assia. Minsan ay sinasabay ko siya papunta sa school. Ayos lang naman din. Tahimik lang naman madalas si Assia. Magsasalita lang siya minsan kapag may mine-memorize siya... na nagbebenefit din naman ako dahil nagkakaroon ako ng recall sa paulit-ulit na pagsasalita niya.

Napa-tingin siya sa akin habang hawak pa rin niya iyong codal niya sa Civil Code. First year pa lang kami pero para ng coloring book iyong codal niya. Iyong sa 'kin ay parang fresh from bookstore pa rin! Buti 'di pa nakikita ni Achilles iyon dahil panigurado ay bu-bwisitin niya ako tungkol doon.

"Bakit?"

"Nahihirapan ka pa rin sa Obli?"

"Nalilito talaga ako..."

"Gusto mo mag-aral? Ngayong weekend?"

Natanong ko na kay Achilles 'to. Sinabi ko sa kanya na weekend lang talaga ako pwede. 'Di na ako pwedeng petiks kapag weekdays dahil ang dami talagang inaaral. 'Di ko na kaya na magkaroon ulit ng bokya na recit.

Pero iyong overthinking ko, biglang napunta sa what if may makakita sa amin? Kahit nag-aaral lang naman kami sa labas, alam ko na iba ang iisipin nila tungkol doon. Hindi ko rin kasi alam kung saan may kakilala si Papa. Kung may nagrereport sa kanya ng bawat galaw ko.

Ewan.

Nakaka-suffocate.

"Tayong dalawa?" she asked.

Natawa ako. Ganyang-ganyan din kasi iyong reaction ko nung inaya ako ni Niko na mag-aral. Hindi naman ako na-offend kay Assia. Gets ko naman iyong pangamba niya. Been there, done that.

Umiling ako. "May isa pa."

"Ah... classmate natin?"

Umiling ulit ako. "Ah... abogado na."

Tinanong ko rin 'to kay Achilles. Na kung pwede ko bang sabihin kay Assia. Kasi ewan ko... ayoko lang na magdagdag pa ng isang tao na kailangan kong magpanggap sa harap niya.

Saka pakiramdam ko ay okay naman si Assia.

Kung hindi, e 'di at least ngayon pa lang ay alam ko na. Homophobic na nga magulang ko, magdadagdag pa ba ako ng kaibigan na ganon din?

"Magaling siya sa Obli?" tanong ni Assia. Ang seryoso ng tono niya. Parang life and death iyong magiging sagot ko.

"Magaling."

"Okay lang sa kanya na turuan din ako?"

I shrugged. "Okay lang naman," sagot ko.

Mabilis na tumango si Assia. Natawa ako. Ang cute talaga ng isang 'to. No wonder baliw na baliw iyong classmate kong blonde.

"Ano'ng oras sa weekend? Saka saan?"

"Di ko pa sure, pero kung gusto mo, daanan ka na lang namin."

Alam ko naman kung saan naka-tira si Assia. Saka alam ko iyong pakiramdam na nagcocommute. Ang hirap kaya. Isa talaga sa mga wish ko para sa Pinas e magkaroon ng maayos na transport system. Ang dami kayang nasasayang na oras na nasa daan ka lang imbes na may nagagawa kang makabuluhan sa buhay mo.

Alter The GameWhere stories live. Discover now