The Real Talk

1.2K 71 13
                                    

Eilish pov:

Andito na kami ngayon sa hapag at nag uumpisa ng kumain buti nga nag kasya kami eh, kain lang ako ng kain habang yung sampo naman sandok ng sandok sa mga plato nila habang paminsan minsan eh nilalagyan rin ang plato ko ng ulam kaya nginingitian ko nalamang sila dahil medyo naiilang ako sa titig nila papa at mama saakin para bang inoobserbahan ako na ewan.

Gusto ko sanang mag salita kaso puno na ng pag kain ang bibig ko kaya d'ko na pinansin ang mga tinginan nila mama at papa saakin para kasi silang nag hihinala na ewan hmp!

Natapos na kaming kumain kaya inaya na kami ni papa sa salas para daw makapag usap na kaming lahat, kinakabahan na ako kanina pa pero dapat hindi ko ipahalata huhu.

"Maupo kayong lahat mga iha." saad ni papa kaya naupo na yung sampo sa kaharap na upuan nila papa at makikiupo na sana ako dun sa sampo ng tumikhim si papa kaya mabilis pa sa alas kwatrong umupo ako sa gitna nila mama at papa kaya ngayon ay kaharap ko narin ang sampong babae na naka dekwatro habang seryoso ang mga muka na nakikipag titigan sa mga magulang ko na seryoso lang rin ang mga muka na naka tingin sakanilang sampo ampt tatapang ah.

"Hindi na ako mag papatumpik tumpik pa mga iha uunahin ko ng tanungin ang nakita namin kanina bakit coat lamang ang suot ng anak namin?" takang tanong ni mama pero seryoso parin ang muka nito.

"Tungkol po jan tita mali po ang iniisip niyo, ang totoo po nan eh muntik na pong marape yang anak niyo kanina." seryosong banat naman ni ma'am trevino, oo trevino kasi hindi ako sanay na name nila ang binabanggit ko hehe pero naks ha lakas ng tama ni ma'am na tawagin si mama ng tita dapat mama nalang rin ehe.

"ANO?!?/ANONG SABI MO RAPE?!?" sabay na sigaw ni papa at mama kaya napa pikit nalang ako at takip sa tenga dahil nga nasa pagitan lang nila ako eh mabibingi ako sa lakas ng bibig nila.

Tumingin sakin sila mama at papa ng may pag aalala kaya naman nginitian ko nalang sila ng mapakla at tinanguan dahil ang mga mata nilang naka tingin sakin ay nag tatanong kung totoo nga ba ang nalaman nila.

"Opo ma pa pero wag po kayong mag alala nasagip naman po ako nila miss." ngiting ani ko sakanila pero inilingan lang nila ako at ang awra nilang nag aalala kanina ay napalitan ng madilim at galit na awra.

"Papatayin ko yang lalaki na yan ano pangalan nan?!?" galit at mapang hamon na sabi papa.

"Sinong hayop yan at ang anak ko pa ang ginalaw, eh kung balatan ko yan ng buhay at budburan ng asin!!" gigil at galit ring saad ni mama.

"Ma, Pa huminahon nga kayo." kinakabahan kong sabi dahil hindi talaga ako natutuwa sa awrang ipinapakita nila ngayon.

"Tito, tita calm down pls." pag awat rin ng sampo kila mama at papa.

"SABIHIN NIYO SAAMIN ANG BUONG PANGYAYARI!" gigil parin nilang sabi kaya napa buntong hininga nalang ako at nag simula ng mag kwento.

"May lumapit sakin na nag tra-trabaho dun tapos minaliit ako." naka yuko kong pag uumpisa kaya naman sabay sabay silang nag react lalo na yung sampo dahil hindi nila alam ang tungkol don.

"WHAT!?" bulyaw nilang sampo at biglang napa tayo pero napa upo rin kaagad nang tignan ko sila ng masama parang baliw ampt d'pa nga ako tapos mag kwento.

"Pakinggan niyo muna kasi yung buong kwento." pairap kong sabi sakanila tsaka ipinag patuloy ang pag kwe-kwento ng buong nangyari.

Simula sa mang mamaliit sakin nong manager sa restau na yon hanggang sa pag tatanggol sakin ni vicente don sa manager ng restau na pag aari daw ng ama niya hanggang sa pang hihipo niya saakin at yun hanggang sa nakarating na sa part na muntik niya na akong magahasa.

"Tangina nan ah!" galit na komento ni papa pag katapos kong mag kwento habang si mama naman pilit niyang pinapakalma si papa pero halata rin ang galit sa muka niya, habang yung sampo naman tahimik lang na nakikinig pero yung ekspresyon ng mga muka nila hindi ko mabasa para bang may binabalak silang gawin na hindi maganda.

"Anak naman ingatan mo naman ang sarili mo." saad ni mama pag katapos ay niyakap ako habang hinahaplos ang buhok ko kaya napangiti ako at tumango sweet talaga ng mama ko.

"Anak ayoko ng mauulit pa to ha? baka makapatay na talaga ako." seryosong sambit ni papa kaya naman humiwalay ako sa yakap ni mama at nilingon si papa na naka tingin sa sampo para silang nag uusap gamit ang mga mata hmp d' man lang ishare convo nila, nginitian ko nalang si papa at hinalikan sa pisngi kaya huminga muna siya ng malalim na parang kinakalma ang sarili bago ako lingunin at yakapin, aws sweet rin itong ama ko eh.

"Nga pala pa, ma dito po sila matutulog." saad ko nang humiwalay na si papa sa yakap niya sakin at inginuso ang sampong babae na sabay sabay tumikhim at umayos ng upo.

"At bakit?" taas kilay naman na sabat ni mama kaya sakanya naman ako napa baling ng tingin.

"Kasi ma gabi na po? baka po kasi mapano sila sa daan nila pauwi." sagot ko kay mama at nag papaawang tumingin sakanya para naman pumayag na.

"Nak alam mo namang gusto ka nilang pakasalan at may gusto sila sayo tapos ngayon gusto mo silang matulog dito? halos sipain mo nga sila pauwi nong gabing sinabi nila na gusto ka nilang pakasalan eh." parang nang aasar na saad ni mama tsaka ako nginisihan 

"Mama naman!" namumuryot kong saad dahil mabilis lang akong mapikon lalo na kapag asaran literal na talo pikon.

"Ok sige pumapayag na ako pero saan sila matutulog? wag mong sabihin na sa kwarto mo nako eili ha!" taas kilay nanaman na saad ni mama kaya natawa na ako at nilingon yung sampong babae na naka yuko na at mukang nahihiya lalo na si miss levine sus naka isa at naka una lang eh HAHAHA.

"Ehem ako pumayag ba ako?" malditong saad rin ni papa at nag pandekwatro na panlalaki habang naka tingin samin ni mama kaya napa angat ng tingin yung sampo.

"Sino bang nag sabi na kelangan namin opinyon mo Fredirick ha?" pag mamaldita rin na saad ni mama at nag pandekwatro na pambabae habang naka tingin kay papa ng masama ok eto na sila HAHA.

"Sabi ko langga mag shu-shut off nalang ako dito." omghad napatingin ako kay papa at tinakpan ang bibig ko dahil sa sinabi niya omg saan kaya nalaman ni papa yung line na yon.

"Good mabilis ka talagang kausap kaya mahal kita eh." nag lalambing na saad ni mama at nakipag palit ng pwesto saakin kaya ngayon ay mag katabi na sila ni papa.

"Ma, Pa umakyat na kayo sa kwarto niyo at dun kayo mag lambingan." naka simangot at bitter kong saad kaya naman tumawa nalang sila mama at papa sabay paalam na samin at matutulog na daw sila kaya inaya ko naman yung sampo na umakyat narin sa kwarto ko, kasya naman siguro kami.

"Tara na po." saad ko at tumayo na para umakyat na sa kwarto kaso habang nag lalakad ako pataas eh may naririnig akong singhal at mga reklamo sa likod ko.

"She's still poing us grr." inis na bulong at reklamo ni miss maeve kaya palihim akong napa ngiti dahil ang cute niya HAHAHA.

"She's not used talking to older people without 'po'." nabubugnot na saad ni miss grey kaya naman pinipigilan ko ng d' matawa habang nag lalakad sa harapan nila dahil gosh! ang cu-cute nilang mabugnot at mainis!

"I'm not that old for fvck sake!" sabay sabay nilang singhal kaya binilisan ko ng mag lakad at pag karating na pag karating ko sa harap ng kwarto ko eh binuksan ko agad ang pinto at humagalpak ng tawa pero agad ko ring tinigil at humiga na ako sa kama ko.

Pero yung sampo nanatili lang na naka tayo pag kapasok nila sa kwarto ko at naka tingin lang saakin na parang hindi makapaniwala kaya napa kunot noo ako dahil kung maka tingin sila parang may kasalanan ako eh.

A/N :: ETO PA PAMBAWI MGA BEBECAKES! AGAIN! MAG COMMENT PO KAYO KAPAG MAY TYPO AKO PARA MAAYOS KO KAAGAD YUN LANG THANK YOU!

DANGEROUS OBSESSION :: Eilish Lunaire Perez Story.Where stories live. Discover now