KABANATA 22

6.4K 233 15
                                    

Nakita ko ang bigla sa mukha niya, pfft! Hindi niya ba inaasahan na ganon ang sasabihin ko sakaniya pagkatapos kong tumutol?






Well, trip trip lang naman 'yon, ewan ko lang kung seseryosohin niya! Pero mukha dapat bawiin ang sinabi ko.






"Biro lang!" bawi ko dahil hindi pa rin siya naimik, ngayon lang ba siya naka-incounter ng babaeng marunong bumanat.






Banatan ko pagmumukha niya eh. "A-ano ba ang iyong ipinunta rito?" tanong niya bago tumalikod sa akin at pumunta sa upuan na kaharap sa salamin.






Binuksan niya yung kabinet sa baba na parang may kukunin doon. "Wala naman." sagot ko. "P-pasensiya pala sa pag hindi ko pag pansin sa iyo kahapon."






Napatingin ito sa akin bago ngumiti. "Hindi mo kailangan humingi ng tawad, binibini. Wala ka namang kasalanan." naks naman ang bait-bait, kunin kana sana ni lord.






Charot!






Umupo ako. "Ayos na ba si Hannah?" nagtataka naman itong lumingon saakin. "Sinabi na sa akin ni Renren."






"Renren?"




"O-oo. Si Oliver." ayan na naman yung kakaibang tingin niya.






May dumadaan na emosyon sa mata niya pero hindi ko na napapangalanan pa dahil mabilis din namang nawawala.






Tapos idagdag mo pa yung biglang pananahimik niya kaya 'di 'ko maiwasang kabahan dahil sa ginagawa niya.






Umiwas ito nang tingin bago ulit mag hanap. "Oo, binibini. Ayos na siya. Hindi na nga siya makapaghintay sakaniyang kaarawan eh." bahagya akong natahimik.






Na-eexcite siya kasi sasagutin ka na niya.






"Ginawan mo rin pala ng nickname ang aking kapatid." biglang saad nito.






Naks, nag seselos ba siya dahil ginawan ko ng nickname si Ren?






"Ah oo, pinilit niya nga ako kahit ayaw ko eh." medyo true na medyo false.






"Pero bakit siya ay pinayagan mong tawagin kang sungit? Samantalang ako ay ayaw mo." loh? Nag tatampo ba siya?






Feeling ko ay may pait ang pagkakasabi niya non. Bitter kaba gurl?






"Sinabi ko na sakaniya na wag niya akong tawagin sa pangalan na ganoon, ngunit makulit ang kapatid mo." pag eexplain ko.






Bakit ba ako nag eexplain sakaniya?! Pero bahagya akong napangisi. "Nag tatampo kaba, Ej?" dugtong ko.






Kahapon pa kasi siya! Yung hindi siya nag sasalita habang pabalik kami sa simbahan tapos ngayon yung bigla-bigla niyang pananahimik.






Natigil ito sa paghahanap. "Oo, binibini. Dahil iniisip ko na baka ayaw mo talaga ako maging kaibigan at mas gusto mo ang aking kapatid." ako naman ngayon ang natigilan.






Straight to the point siya, kingina. "Mag kaibigan naman na tayo ah? Bakit ka pa nag tatampo?"






"Hindi na ako nag tatampo, binibini. Lalo na't humingi kana sa akin ng tawad." so kasalanan ko pa ganon ba? Sakit mo sa buto Ej.






Reincarnated as a Binibini Where stories live. Discover now