Just the two of us.. or not?

119K 1.5K 137
                                    

eto na hooooo :)

namamaga ang aking mga mata .. pang limang beses ko ng pinanuod yung koizora sinisipon pa rin ako sa emote nila TT___TT makagawa nga ng ganun . wahaha

3rd for today .. vote and comments pa rin sa previous chapters ne? thank youuuu :*

**

Sabrina's POV

"anak , baka nama maubus yung sahig natin kaka punas mo .."

"Sabrina , baka naman  kalyohin kana dyan kakahugas mo .."

"close ata kayo ng walis ngayon ah .."

"yung totoo sabrina .. may sakit ka ba?"

palitan sila mama at papa ko sa pag sabi nyan . masama na bang mag linis? hahaha

"tama na yan sabrina .. sabihin mo na kung anong kailangan mo?" hahah . tanong ni papa habang nanunuud sila ng tv ni mama ..

umupo ako sa kabilang side ng sofa .. papayagan kaya nila ako? halaa !

"hmm. kasi ma , pa , wala kaming pasok ng 1 week .. sabi ng friends ko magbabakasyon daw kami.. ok lang ba na sumama ako ?" namamagasang tanong ko ..

please please pumayag kayo .. please..

"yun lang pala e. kailangan mo lang mag paalam . bat mang uuto ka pa ." nangbubwisit na tanong ni papa .. kainis naman ! kung ano ano kasing tinuturo ni Caden e.

"ihhhh ! so pinapayagan nyo ko?" paninigurado ko .. tumango lang sila kaya napatalon na ko sa gitna nila

"thankkk youuuuu! loveyouu! *mua.mua* papasok na po ako sa kwarto ko .." sabi ko tsaka masayang nagtatakbo palayo sakanila . yess naman ! makakasama ako ..

tinext ko agad si Caden ..

'yo yo ! pumayag si mama ko' pag kasend ko tumawag agad sya .

"hello.."

"mag impake ka na .. aalis tayo bukas" utos nya ..

"sabihin mo kasi kung saan tayo pupunta para alam ko kung anong dadalhin kong damit .." sabi ko sakanya ..

"hmmn .. pang summer lang .. mag dala ka ng swimsuit siguro? ayy hindi ! mag dala ka lang ng pants .. pajama, tsaka underwear.. " parang tanga tong taong to !

"matulog ka na .." tignan mo to . bat ba laging gusto nya maaga akong natutulog ..

"maaga pa e.."

"para lumaki ka .. dali na.." parang tatay ko lang ah ..

"may ginagawa pa ko e.." 

"ano naman yun? papalusot ka lang e.. sabihin mo kasi kung gusto mo kong kausap , papayag na naman ako .." hala ! habang tumatagal yumayabang tong taong to ..

The Sexy BadassWhere stories live. Discover now