iii

2K 96 47
                                    

Anya's sophomore year went on exactly like what she had expected. Weekdays full of classes, with Arki student council and org stuff in between, aral, kaunting tambay with orgs. Napaka-normal. Well scheduled. And yeah, a little bit monotonous, but she liked it that way. Ito ang perfect na timpla para sa kanya; at least alam ni Anya na in control pa siya sa mga bagay-bagay.

Anya Casabueno lives for routine. Doon siya sa sigurado, sa kabisado, sa nakasanayan.

But as the semester progressed, she couldn't help but notice something started to change in her monotonous semester.

Kasalanan ito ng mga kaklase niya sa KAS1.

Takang-taka si Anya sa sudden interest niya sa apat na lalaking kaklase sa GE class na ito. This wasn't the first time na nagkaroon siya ng mga kaklaseng "bigatin" sa campus. Just last semester, naging kaklase niya sa ENG1 ang isang sikat na theater actress, isang sikat na banda from Maskom, a handful of varsity players, so this semester shouldn't be that different. Tsaka hindi naman siya madaling ma-starstruck o chismosang tao, kaya malaking palaisipan sa kanya ang curiosity na dulot ng apat na 'to sa kanya.

Ang KAS1 ang tinuturing niyang "breather" subject ngayong semester, mainly because ito lang ang tanging GE subject na binigay sa kanya ng CRS noong enlistment. 'Yon lang, least favorite subject niya ang History noong high school at nilagay lang niya ito sa kanyang course plan noong enrolment dahil gusto niya magkaroon ng appreciation sa subject. Aba malay ba niyang ibibigay sa kanya ito sa kanyang hell sem!?

Out of the four guys, si Roldan—o Dan na lang daw dahil masyadong "mature" ang "Roldan"—ang una niyang naging close. Naging groupmates sila sa isang class activity involving the Philippine Map noong second week of classes, at ang lalaki ang unang nakipagkwentuhan sa kanya. Dan was very friendly and a smooth talker na minsan feeling tuloy ni Anya ay nilalandi siya nito. Anya always had a hard time getting along with guys because most of them get intimidated by her. Si Dan lang ang bukod-tanging chill na nakitungo sa kanya. Fun kausap, natural na funny, quick-witted, at dependable pa.

Si Dan ang naging unang kaibigan ni Anya ngayong school year. At sige na nga, shameless admission: happy crush niya rin ang lalaki. Marupok din siya minsan, okay!?

Sunod na nakasundo niya ay si Badz. Anya actually felt bad for him at first. His severe acne surely affected his self-esteem and socialization skills. Tahimik at napaka-mahiyain ang Computer Engineering major sa KAS1 class noong una pero nang sila naman ang napagkuwentuhan nila ang Math 17, nag-warm up din ito sa kanya. Badz reminded her so much of her studious self—sa school at bahay lang umiikot ang buhay ng lalaki at laging tanungan ng mga kaklase kapag nahihirapan sa exers at lessons. Sa kanya rin nagpapatulong si Badz kapag nahihirapan ito sa Math 17 at 'yon pa talaga ang naging bonding nila: Math. The guy even confessed na ayaw niya sa course niya; he only took Comp Eng dahil ito ang last request ng lolo niyang ex-Professor Emeritus ng College of Engineering. Sigurado na siyang sa Ateneo siya mag-aaral ng college kaso namatay ang lolo niya just last May...kaya ayun, he had no other choice but to honor his last request.

Relate na relate naman si Anya sa frustration ni Badz sa pagkuha ng course na hindi niya talaga gusto kasi gano'n din siya. She wanted to take up Education na may area of concentration sa Special Education kaso pinilit siya ng high school teachers niya na mag-Arki na lang dahil "sayang naman ang talino mo sa Math, Anne". Gaya ni Badz, people-pleaser din siya kaya sumunod siya kahit half-hearted siya.

Si Andreau Cortez naman...well. Paano ba ipapaliwanag ni Anya ang impression niya sa kanyang sikat na seatmate? To be very very honest, she didn't like Andreau Cortez at first. Okay, gets naman ni Anya kung bakit libu-libo ang nagkakandarapa para sa artistang 'to. As in. Nakikita at naaamoy niya si Andreau every KAS1 at wala siyang masamang tinapay sa lalaki. Hindi rin ito mayabang, snob, o malandi. Nakagugulat ngang tahimik lang ito sa klase, nagsasalita lang kapag recitation o kinakausap si ni Sir Tamayo. Ang bait pa! Sobrang kabaligtaran ng assumptions niya tuwing naririnig niyang may nag-enroll na artista every school year. Eh kung walang mali kay Andreau...bakit uncomfortable si Anya tuwing magkatabi sila sa klase?

palagiWhere stories live. Discover now