i

4.8K 193 73
                                    

"Kuya ano ba nasaan ka na? Come on please please please," Anya muttered under her breath, almost on the verge of tears.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Anya sa relo niya at sa kalsada. Halos sampung minuto na siyang naghihintay ng masasakyang Ikot pero wala pa ring dumarating. Hindi niya maisip kung saan siya nagkulang sa pagpa-plano ng araw niya ngayon. She made sure na perfect ang class schedule niya ngayong first semester ng kanyang sophomore year—mula sa kanyang break time, travel time sa paglipat ng buildings, at maging org time—lahat 'yan pulido.

As expected kay Anya Casabueno, the master planner. Napaka-efficient ng lahat ng schedules. Kayang-kayang isingit ang lahat ng ganap sa isang araw. Napaka-busy but she would always make time for you. Ganyan siya kagaling mag-manage ng oras niya. Walang sinasayang na segundo.

Well, except today.

She just wasted 10—make that 11—minutes of her life kakahintay sa jeep na magdadala sa kanya sa kabilang side ng campus kung saan ang unang klase niya for the day.

Ayaw niyang aminin sa sarili niya na baka na-overlook niya ang detail na ito noong inayos niya ang schedule niya a few weeks ago during the enlistment. Matagal na niyang gustong kunin ang language elective na ito kaya kinuha niya ang slot na swak sa schedule niya kahit napakalayo nito sa dorm na tinutuluyan niya. First class naman kapag Tuesday, eh. Kayang-kaya niyang gumising nang maaga at naglaan pa nga ng 30 minutes para sa travel time papunta sa kabilang side ng campus.

Pero sa nangyayari ngayon, mali talaga siya ng tantiya.

She's not gonna admit that now. Baka siguro mamaya pag nagkaroon ng himala na makarating siya sa Arts & Letters before 10am (na 10 minutes away na lang). Hindi niya kasalanan ito, okay? Baka na-traffic lang ang jeep somewhere inside the campus, o may sudden jeepney strike siyang hindi nabalita—

Her heart almost leapt out of her chest nang matanaw niya ang yellow na bubong ng jeep na paparating.

Inayos niya ang pagkakasukbit ng tote bag sa balikat niya at hinanda ang sarili sa mabilisang pagsakay sa jeep. Siyam na minuto na lang bago mag-10 am. Sana sana wala nang sumakay sa jeep nito after niya at tuluy-tuloy na lang ang biyahe.

Dali-daling sumakay si Anya sa jeep at pumwesto malapit sa may pinto. Ang kawalan ng ibang estudyante sa loob ng jeep ang una niyang napansin pagkaupo niya sa loob. Bihira lang niyang ma-solo ang jeep sa campus kapag ganitong oras na maraming papasok sa klase. It kinda weirded her out but she eventually shrugged it off. Siguro unang labas pa lang ni Manong driver at siya ang unang pasahero for the day.

Tumigil ang jeep sa next stop at sumakay ang isang lalaki. Anya usually minds her own business during jeepney rides like this, pero napukaw ng bagong sakay ang atensyon niya for some reason. As in this guy made her look up from her beloved weekly calendar kasi...he looked so comical muntikan na siyang matawa.

Naka-all maroon kasi ang lalaki: the generic UP Maroons maroon shirt, UP PE shorts, tapos may gym bag pa na may malaking MAROONS print. Kulang na lang pati tsinelas nito sumigaw na maroon. Anya bit her lip to stop laughing at the sight. Cute sana 'tong lalaki kaso...ang baduy? Unang linggo pa lang ng semester pero nagsusumigaw agad si kuya sa kanyang school spirit.

"Ah, baka freshie," isip-isip niya. Umupo ang lalaki sa kabilang side ng jeep, sa bandang likuran ng driver. Sakto, hindi pa nagbabayad. Pwede siyang makisuyo sa bagong sakay na freshie.

Umusog muna siya sa bandang gitna ng upuan bago inabot ang 10-peso coin sa freshie. "Makiki-abot ng bayad," malumanay niyang sabi.

The freshie shot her a weird look bago niya kunin ang barya. She was about to ask what's wrong nang mag-ring ang phone niya. Agad niya itong sinagot nang makita niyang ang kapatid na si Rei ang tumatawag. Nagpapatulong nga pala ang kapatid sa pagpasa ng UPCAT form nito this week.

Anya kept the call short as much as possible dahil five minutes na lang bago magsimula ang klase niya. That, and nawi-weirduhan siya sa tingin ng kasabay niya sa jeep. Palingon-lingon kasi sa kanya ito, tila may gustong sabihin sa kanya pero nahihiya. In-ignore na lang niya 'yon, baka magtatanong lang sa kanya ng direksyon or something. Nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki hanggang sa makababa ito sa susunod na stop. Mas naging weirdo pa ito sa paningin ni Anya dahil nagmamadali ito, almost panicking pa nga.

Sobrang weird pero wala siyang panahon para problemahin ang kung anumang topak ng freshie na 'yon. She was still three stops away from her building. Kahit anong dasal or pagsirko ang gawin niya hindi siya makakarating sa klase niya on time. Wala siyang ibang masisisi kung hindi ang sarili niya.

Sa kalagitnaan ng kanyang pity party, naalala ni Anya na hindi pa siya sinusuklian ni Manong driver. Muli siyang lumapit sa bandang likuran ng driver at hiningi ang sukli niyang dalawang piso.

"Ha? Sinuklian na kita kanina pa," ang sagot sa kanya ng driver. "Pinaabot ko do'n sa lalaki kanina."

Chineck ni Anya ang bulsa ng pantalon niya, pati na rin ang kinauupuan niya pero walang bakas ng dalawang pirasong barya. "Po? Wala naman siyang inabot sa 'kin eh."

Takang-taka si Anya sa nangyari. Medyo lutang nga siya ngayong umaga pero maaalala naman niya siguro kung binigay sa kanya ng lalaki ang sukli, 'di ba? Tsa—

"Naku, miss. Sigurado akong inabot ko sa lalaki kanina 'yung sukli mo. Baka tinangay niya," pahabol ng driver.

Wait a second.

Iyon ba ang dahilan ng weird looks nung freshie sa kanya kanina? Hindi pinansin ni Anya ang sukli niya kaya ibinulsa na lang ito ng lalaki!?

Unbelievable.

palagiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt