Paano kung ipinasok ka sa isang kakaibang paaralan, kung saan nag-aaral ang mga basagulero, patapon ang buhay at mga kriminal? Itinuturing na impyerno ng karamihan. Ang maka-survive ang batayan upang makagraduate. Legal ang pangbu-bully at pagkitil ng buhay. Kung saan ikasasaya ng lahat ang iyong sigaw at hinaing. Maaari kayang makanap dito ng pag-ibig? o ang kagustuhan sa kapangyarihan ang mananaig? Isa sa mga estudyante roon si Adrielle Sandiego. Pilit niyang sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng kaniyang ina, itinakwil ng sariling pamilya at pilit tinatakbuhan ang masalimoot na nakaraan. Ngunit, may mga sekreto na mabubunyag. Mga lihim na mauungkat. Kakayanin niya kaya? Makakatagpo kaya siya ng karamay o mahahanap lang niya ay bugbog at away? Welcome to Xavier Academy, where secrets lies and kill you afterwards! See you..