Cat Trilogy #1 Sa isang baryo-baryo kung saan talamak ang mga tsismosang hindi mapigilan ang bibig, ang baryong ito ay ang Baryong Pinatahimik. Ang Baryo kung saan nakatira ang tsismosang conyo na si Rosa Chismakers. Si Rosa ay sikat dahil sa kadaldalan niyang taglay. Hindi mapigilan ang bibig, basta't may ma-tsismis. Si Rosa rin ay isang pakialamera, daig pa ang pulis kung mag-imbestiga. Daig pa ng isang CCTV CAMERA ang kanyang mata. Ang baryo nila ay puno ng tsismosa, kung kaya't sila ay binansagang "ka-bunganga." Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang pusang gala. At bakit nagbago ang lahat? Iyon din ang hindi ko alam. Ano ang papel ng pusang gala sa buhay ni Rosa? Hindi ko rin alam. Samahan niyo akong alamin kung anong tsismis ang nakapaloob sa buhay ni Rosa. Samahan si Rosa Chismakers sa paglaganap ng tsismis na puro walang katotohanan, pero puro kasinungalingan. ROSA CHISMAKERS ANG TSISMOSANG CONYO.